Wednesday, March 9, 2011

GUSTO KO MAG KA BF.

kumusta naman at ngaun lang ulit ako nag karon ng lakas ng loob mag blog ng aking buhay, isa nnamn ito sa mga wala namang nag babasa na blog ko. ^_^

sa aking pag ninilaynilay ngaun mga nakaraang araw, tila ata may hinahanap akong kulang sa aking pag katao. 
ano nga kaya yun??? hmmmm... may bahay naman ako, may pamilya, may trabaho, madaming kaibigan! ayun nah! PAk!! ayun ang wala ako ngaun ang love life, may tatlong bwan na din pala akong walang boyfriend! yes naman pasok ako sa THREE MONTHS RULE!!! ahahahaha. ayos! pwede na siguro ulit akong makipag landian relasyon ulit! pwedeng pwede na ko umibig at masaktan (nanaman??)ulit, may pag kakataon nanaman na mararamdaman ko ang kilig ng panunuyo ng isang binata, ang paniwalaan ang mga pambobolang minumutawi ng kanilang mga bibig, ang mga panunuyo nila sa akin!(naks!maka nila naman ako eh wala nga!!!) ang pangungulit araw araw,tangha tanghali, gabi gabi sa telepono, mag kakaron na din ako ng taga sundo kapag umuulan, kasama kapag mag iikot sa mall (kasi wala naman akong pambili kaya ikot na lang) kausap kapag nabobored, kakikiligan sa bawat txt na mababasa ko galing sa kanya.

teka teka!!! wait lang! wala nga pala nag kakagusto sakin so pano ko mag kaka boyfriend??? meron nag kaka gusto yung tropa ko!! ayoko tumalo ng tropa ko ano, mas masarap kasi akong tropa kesa girlfriend.. ahahhahah :)
yun pala ang problema ko ngaun gusto kong makipag relasyon pero walng may gusto makipag realsyon sa akin... ang lungkoy naman... :( 
yaan na dadating din daw yung tamang tao sabi nila, siguro pag outi ng uwak dadating na ang tamang tao! ahahahahha..

oh sya paalam na muna at matutulog na muna ko baka sa dream andun ung tamang tao(teka mali ba ang mga tao?)

Tuesday, March 1, 2011

Mt. anawangin

Dalawang araw bago ang akyat namin sa pico de loro nag palit bgla ng lugar na aakyatin, naging Mt, Anawangin, so i decided to search on that place and i found out that it was in Zambales, cool ang pictures na mga nakita ko sa net, may fine tree malapit sa beach, may white sand pa! astig! excited na ko bigla sa  bagong bundok na akakyatin namin. nag kakagulo na ang lahat! nahihirapan mag decide yung iab kasi ang budget na naipon sakto lang pang pico de loro, pero sa huli nanalo pa din si Anawangin at inindian pana kakana kana  nmin si Pico! :P
so friday night after work, dumercho kami sa tondo para mag kita kita sa bahay nila ner! dun na din sa lugar nila kami namili ng ibapang dadalhin na pag kain. tpos mamili dumercho na kmi sa sakayan ng bus sa may monumento, we took a bus goin to Iba, Zambales P251.00 ang pamasahe, 11pm ang start ng byahe namin, so the travel beggings, ang sakit sa toot pwet ang mahabang upuan, mga 3 oras na upuan din ata yun bago nmin nrating ang zambales, sinundo kmi nila kua mike!(lols hndi ko kilala un feeling close lng)! para ihatid sa tutuluyan namin bago  kami umakyat ng Anawangin.P30 per head ang bayad sa triycle nila kua mike, cool libre ang tutuluyang kubo, dun muna kami tumambay para mag paliwanag madaling araw na kasi 2am na kmi nakarating sa kubo! so kumain muna kami bago kmi natulog, mga 5am nag umpisa na kmi mag trek, anlufet ng mga makikita may sapa, may gubat, may tuyong sapa so madmaing bato, pero astig ang view! nature na nature ang dating! mahabang lakaran bago kami nakarating sa tuktok ng Anawangin halos ialng beses kami huminto para mag pahing at mag pa picture sa kahit saang spot na pwedeng mag papicture! ang ganda! lahat halos ng tayuan mo pwede kang mag pa picture! inisip lang namin baka maubusan kmi ng FILM!hahaha joke ng batteries tlga! pag dating namin sa tuktok ng Anawangin tanaw agad namin ang napakagandang view ng malawak na dagat, ng puting buhangin at ng mga nag tatataasang fine trees!!! astig dun pa lang solve na kami! bumaba din kami agad pag tapos mag sawa mag papicture sa tuktok ng anawangin, hndi kasi pwedeng mag tent sa tuktok ng bundok sorang lakas ng hangin!!! an lamig pa kung iisipin mo alas onse na ng tanghali nun! grabe!
sa aming pag baba marami pa ding magagndang lugar ang aming nadaanan! mas mabato ng lang. pero astig lalo na dun sa natuyong sapa, para kang nasa ibang lugar pag andun ka, pinasok namin ang tila gubat na daan kung saan nag tatago ang mgandang sapa, at napaka gagandang fine trees, konting lakad na lng beach na!!! white and brown sand! lol napeke kami, hndi todo fine white sand ang anmdun! pero aus lang ang ganda pa din ng ugar! nag  tayo kami ng tent sa bandang malapit sa dagat, ang init sa mga oras na un sa pinag tayuan namin, pero sabi nila ayus lang un pag gabi maganda na daw dun! nagpahinga lng kami ng konti kumain at nag libot libot nakita namin ung mgandang sapa na may magndang Fine tree ulit! ang cool kala ko nasa ibang bansa na ko!!! ganda dun! tpos namin mag sawa kaka papicture dun eh nag swiming na kami!!! yunnnnn! mas maganda dun!! nasa malapit ka pa lng pwede ka ng mag snorkling!!! kagandang lugar na un ng pinas, nag ikot ikot kami sa paligid ng dagat, ayun nakatanggap ako ng suvineer sa dagat, ang dami kong gasgas!! pero ayos lang kapalit naman nun sobrang ganda at sobrang sayng exprience!!,tapos nmin mag swiming nag picture picture nnmn kami para sa sun set, isang napakabonggang sunset ang makikita mo dun, katuwa pag andun ka parang wala ka ng dapt pang isiping problema ang gagawin mo n lng  ay mag relax!!cool nung gabi nman nag bon fire kami habang nag iinuman, kwnetuhan at bahagian ng mga gustong ibahagi! cool nakapag labas ako ng sama ng loob ^_^ masaya syang gawin palagi, nung maubos na ang panggatong nahiga naman kami sa tabing dagat, nag star gazing at nag kwentuhan pa din! makalipas ang ilang minuto ai nakartinig na kami n hilik ng isa sa aming kasamhan! nag kaayaan ng pumasok sa tent! at natulog! 
Maaga nagising ang lahat, as usual picturan nanamn!! nag luto na si ner at kumain na kami, nag mamadali kami kasi susunduin na kmi ng als nueve ng bangka patungo sa Capones island kung saan mag trek kami papunta sa light house! maraming kuhanan  ng picture at napakandang view, bago kami makarating sa mismong pampang kinailngan pa muna namin lumngoy hndi kasi maka lapit ang bangka namin madami kasing bato sa pampang at malaki ang bangka namin.adventure nanamn ang lakas ng alon pero kinaya namin makarating ng pampang ang dami ko lng ullit gasgas!! pero ayos lang ulit kasi magndang view naman ang nag hihintay sa akin sa taas ng light house! nakakatuwa pa ang liit lang tlga ng mundo, nakita ko yung clasmate ko nung High School sa light house nauna lang sila ng konti sa amin makarating dun, akalain mo un astig diba??? 10 to 15 mins travel papuntang pundaquit kung saan kami mag babanlaw at kung saan susunduin na kmi ng tricyle ni kua mike para ihatid sa sakayan ng bus pauwi ng manila! 
ayun tpos na ang masayang week end! ^_^ abangan nio ulit ang susunod na bundok na aakyatin namin huh.. salamat sa pag tygang pag babasa nito ^_^